Nagkaisa ang iba’t ibang kawani ng Pamahalaan sa isinagawang Tree Planting Activity kaugnay sa pagdiriwang ng ika-49th Nutrition Month na ginanap sa kabundukan ng Morong, Bataan nito lamang Lunes, ika-18 ng Setyembre 2023.
Nakiisa din ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), National Nutrition Council at iba pang mga stakeholders.
Nagtanim ang bawat indibidwal ng namumungang halaman upang mas makapag-ani ng masustansyang pagkain gaya ng gulay at prutas.
Ito ay may temang “Healthy Diet Gawing Affordable for All” na kung saan ipinapakita ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at hinihikayat ang mga mamamayan na kumain ng masustansyang pagkain.