Negros Oriental – Nagsagawa ang mga tauhan ng Guihulngan Municipal Police Station ng Tree Planting Activity sa Buenavista Elementary School, Brgy. Buenavista, Guihulngan City nito lamang ika-6 ng Disyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Romeo Cubo, Acting Chief of Police, Guihulngan MPS, kasama ang mga mag-aaral at mga guro ng Buenavista Elementary School.
Ang nasabing grupo ay nagtulong-tulong sa pagtanim ng iba’t ibang klase ng punong-kahoy sa paligid ng paaralan.
Ang aktibidad ay naglalayong ipamalas ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno, ipahayag ang ating pagmamalasakit sa kapaligiran at pagmamahal sa ating paaralan, kamalayan sa climate change at mapaganda ang palibot ng Buenavista Elementary School.