Isabela – Muling umarangkada ang Tree Planting Activity na isinagawa ng Gamu PNP sa Brgy. District 3, Gamu, Isabela nito lamang Martes, ika-13 ng Hunyo 2023.
Matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng mga tauhan ng Gamu Police Station katuwang ang mga Provincial EOD-Canine Unit ng Isabela, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, National Coalition Advocacy Group at barangay officials.
Sabayang nagtanim ang mga nakilahok ng nasa 100 na narra seedlings sa nasabing lugar.
Naipakita ng ating mga kapulisan ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng simultaneous tree planting na alinsunod sa PNP Core Values na Makakalikasan.
Maliban dito, layon din ng aktibidad na makatulong sa pagsagip sa nasisirang kagubatan na nagdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa tuwing sumasalanta ang mga bagyo sa probinsya at upang makapag-ambag sa paglutas sa suliranin tungkol sa global warming at climate change.
Source: Gamu PS