Patuloy ang pangangalaga ng mga tauhan ng Cebu City Mobile Force Company sa ating kalikasan sa pamamagitan ng Tree Planting Activity na isinagawa sa Cebu Eco Park, Barangay Kalunasan, Cebu City nito lamang Disyembre 7, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ruel Burlat, Force Commander ng Cebu City Mobile Force Company, katuwang ang mga miyembro ng Department of Agriculture (DA), Department of Environment Natural Resources (DENR), Local Government Unit at Force Multipliers.
Sa pagtutulungan ng naturang grupo ay matagumpay na naitanim ang tinatayang 150 na piraso ng iba’t ibang uri ng punong kahoy sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mamamayan sa kanilang nasasakupan na makiisa sa pagtatanim ng mga puno upang maiwasan ang pagguho ng lupa sa nasabing kabundukan.