Candijay, Bohol – Nagsagawa ang mga tauhan ng Candijay Municipal Police Station ng Tree Planting Activity sa Bayoan, Candijay, Bohol nito lamang ika-11 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Candijay PNP sa direktang pangangasiwa ni Police Major Geral Ampo Luna, Chief of Police ng nasabing istasyon.
Ang pagtatanim ay naisakatuparan bilang pakiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” at alinsunod na rin sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Iba’t ibang klase ng puno ang itinanim ng nasabing grupo na kalaunan ay mapapakinabangan ng mga residente ng barangay.
Ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na nagsisikap upang lubos na mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan na siyang pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan. Patuloy namang hinihikayat ng Philippine National Police ang bawat mamamayan na gawin ang kanilang indibidwal na partisipasyon para sa ikagaganda ng ating kapaligiran na tiyak na tayo rin ang makikinabang.
###