Inabanga, Bohol – Matagumpay na nagsagawa ng tree planting activity ang mga tauhan ng Inabanga Municipal Police Office sa Barangay Sto. Rosario, Inabanga Bohol nito lamang ika-24 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay direktang pinangasiwaan ni Police Major Cresente A Gurrea, Chief of Police, katuwang ang mga Barangay Officials ng lugar.
Ang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” at kanilang pakikiisa sa ika-27 Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Layunin ng aktibidad na himukin ang mamamayan na makiisa sa mga programang naglalayong pangalagaan at ibalik sa ayos ang ilan sa mga nasirang bahagi ng kapaligiran bunsod ng mga nakaraang kalamidad.
Ang naging hakbangin ng Inabanga PNP katuwang ang Barangay Official ng lugar ay naglalayong protektahan at ibalik ang dating ganda ng kalikasan at nang makaiwas sa mga sakuna na nagdudulot ng pagkasira ng ating likas na yaman.
###
Panulat ni Carl Philip L Galido