Bauko, Mt. Province – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Bauko Municipal Police Station sa pamumuno ni PLt Rogelio Culos Jr. sa Sitio Nabua, Poblacion, Bauko, Mountain Province noong ika-5 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay nilahukan ng KKDAT Bauko Chapter at Bontoc Chapter kung saan sila ay sama sama na nakapagtanim ng 70 na pines trees at mga fruit bearing trees na mula sa CENRO-Sabangan.
Ito rin ay bahagi sa pagdiriwang ng 27th Police Community Relations Month Celebration ng Pambansang Pulisya at alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Ang aktibidad ay naglalayong protektahan ang kalikasan, makatulong na mabawasan ang epekto ng global warming at climate change. Lalo na ang magkaisa ng PNP ang komunidad sa pangangalaga ng ating kalikasan.
###
Panulat ni Patrolman Josua Reyes