Orani, Bataan – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Bataan PNP sa Tangilad Dam, Barangay Pag-asa, Orani, Bataan nito lamang Biyernes, Hulyo 8, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Romell A Velasco, Acting Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office kasama ang kanyang mga tauhan, miyembro ng Bureau of Fire Protection at Advocacy Support Group at Force Multipliers.
Mahigit kumulang 200 narra tree seedlings ang naitanim ng mga grupo sa nasabing barangay.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng 27 Police Community Relations Month na may temang” Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan”.
Hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga programa ng Pambansang Pulisya lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Source: Bataan PPO
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera