Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Barili Municipal Police Station sa Brgy. Mantalongon, Barili, Cebu noong Setyembre 3, 2022.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Major Janus Giangan, Officer-In-Charge ng naturang istasyon katuwang ang mga miyembro ng Community and Police Against Criminality and Terrorism (COMPACT) at ilan pa sa mga kasamahan nito.
Bunga ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga nakilahok, mabilis na naitanim ng grupo ang tinatayang nasa 100 seedlings.
Hangad ng naturang aktibidad na imulat ang publiko mula sa kasalukuyang estado ng kalikasan at ipaalala ang malaking gampanin ng bawat isa sa pagsasaayos at pangangalaga nito.
Kung kaya hinikayat ng Barili PNP ang patuloy na pagkakaroon ng malasakit ang bawat isa sa pag-abot ng isang maayos at ligtas na kapaligiran tungo sa maunlad na pamayanan.