Palawan – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng AVSEU 4 Puerto Princesa International Airport Police Station sa Purok Masikap, Brgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City, Palawan nito lamang umaga ng Enero 17, 2023.
Naging maayos ang pagsasagawa ng naturang aktibidad sa pangunguna ni Police Captain Oliver Oliva, Station Chief, sa pangangasiwa ni PCol Norberto Lumbera Jr., Chief, AVSEU 4.
Ito ay naglalayong maprotektahan at mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan at para sa kaligtasan ng ating komunidad laban sa ano mang uri ng sakuna.
Ito rin ay alinsunod sa PNP Peace and Security Framework ng ating CPNP na “Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” (M+K+K=K), at isa sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.