Aurora – Tuloy-tuloy ang pangangalaga ng kalikasan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamamagitan ng tree planting activity sa Sitio Pasaruboy, Brgy. Cozo, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-28 ng Setyembre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang Kaligkasan Volunteers, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Casiguran, Aurora, at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).
Bilang pagmamalasakit sa ating kalikasan ng mga awtoridad, nagtanim ang mga ito ng mga punongkahoy sa nasabing lugar.

Patuloy ang Aurora PNP na makikiisa sa pangangalaga ng ating kalikasan at hinihikayat din ang ating mga mamamayan na magtanim ng mga punongkahoy sa ating mga bakuran.
Source: Aurora 2nd PMFC
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera