Occidental Mindoro – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng 2nd Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company sa Brgy 8. Mamburao, Occidental Mindoro noong ika-21 ng Marso 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Tyrone Del Rosario, Force Commander ng 2nd Occidental Mindoro PMFC, umabot sa 100 na punla ng mangrove ang naitanim ng grupo sa nasabing barangay.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Mamburao Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, Mamburao District Jail, MDRRMO Mamburao, Philippine Army, Coastguard sub-station Mamburao at Brgy Officials ng Brgy. 8, Mamburao.
Ito ay kaugnay sa selebrasyon ng Fire Prevention Month 2023 at Community Relations Week 2023 na may temang “Sa Sambayanang Nagtutulungan, Sunog ay Tiyak na Maiiwasan.”
Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang ating inang kalikasan upang mabawasan ang mga masamang epekto ng pagbabago ng klima.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus