Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Bataan Police Provincial Office sa Sitio Tama, Barangay Culis, Hermosa, Bataan nito lamang Sabado, ika-18 ng Mayo 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging, Force Commander, 1st Provincial Mobile Force Company, Bataan PPO.
Kaugnay ito sa PNP Core Values na “Maka-kalikasan” na naglalayong mapangalagaan ang ating kalikasan at mapadami ang puno na nakatanim sa ating kapaligiran upang mabawasan ang polusyon at maiwasan ang pagbaha.

Patuloy naman ang paghikayat ng Pambansang Pulisya sa paglulunsad ng ganitong aktibidad upang mahikayat ang mga mamamayan na makibahagi sa mga gawain na makakatulong sa kalikasan at sa kanilang komunidad.
Panulat ni Janice M Bulahao