Baggao, Cagayan – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sa Barangay Temblique sa Baggao, Cagayan noong Hunyo 6, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Rey Catabay sa pangangasiwa ni PLt Rolando Campo, Platoon Leader ng 2nd Mobile Force Platoon at sa pamumuno ni PLtCol Lord Wilson Adorio, Force Commander ng 1st Cagayan PMFC kasama ang mga barangay officials sa pangunguna ni Raul Ayson, Barangay Chairman.
30 Mahogany at Bamboo seedlings ang naitanim sa nasabing barangay.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng PROJECT P.M.F.C (Series 3) PMFC’s “Makakalikasan Flood Control Effort”, EO 70 (NTF- ELCAC), at suporta sa “I Love Cagayan River Movement” (Seedling of Hope) at ng PNP core values na ​​”Makakalikasan”.
Layunin nitong mapanatili ang kaluntian ng kapaligiran na magbibigay ng malinis na hangin at maiwasan ang baha, landslide at global warming.
Source: Firstcagayan PMFC
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin