San Isidro, Negros Oriental – Naglunsad ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Manjuyod Police Station ng Negros Oriental Police Provincial Office sa Barangay San Isidro, Negros Oriental nito lamang Martes, ika-26 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Mark Eric C Papong, Acting Chief of Police katuwang ang mga Barangay Officials ng nasabing lugar sa pangunguna ni Chairwoman Jennifer Cabugnason at mga miyembro ng Advocacy Support Group.
Tinatayang nasa 100 na mangrove seedlings ang itinanim ng mga lumahok.
Ang ginanap na aktibidad ay alinsunod sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan.”
Ang naging hakbang ng Manjuyod Police Station katuwang ang mamamayan ay isang magandang halimbawa ng aksyon na maaari nating gawin upang makaiwas sa tuluyang pagkasira ng ating kalikasan dulot ng polusyon.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio