Culasi, Antique – Arestado ang Top Most Wanted Person ng Culasi Municipal Police Station (Municipal Level) sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP nito lamang ika-7 ng Hunyo, 2022.
Kinilala ni PMaj Adolfo Pagharion Jr., Officer-in-Charge ng Culasi Municipal Police Station ang akusado na si Jonathan Ventura Torres, 49, lalaki, may asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Buenavista, Culasi, Antique.
Ayon kay PMaj Pagharion Jr., naaresto ang suspek sa nabanggit na lugar sa pinagsanib pwersa ng Culasi Municipal Police Station at Antique Maritime Police Station.
Ayon pa kay PMaj Pagharion Jr., si Torres ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Culasi PNP ay mas masigasig sa kampanya laban sa kriminalidad at walang humpay ang isinasagawang operasyon upang masawata ang mga taong may pananagutan sa batas.
###