Zamboanga City – Arestado ang Top 9 Station Most Wanted Person sa isinagawang law enforcement operation sa Purok Francisco, Brgy. Poblacion, Titay, Zamboanga Sibugay nito lamang Enero 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si “Ricky”, 41, truck driver, walang asawa at residente ng Barangay San Roque, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 6:36 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 4, Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 9 at Titay Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Illegal Possession of Ammunition na may inirekomendang piyansa na Php100,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9