Timbog ang tinaguriang Top 9 Most Wanted Person sa Regional Level ng Police Regional Office 12 sa Purok Santan, Barangay Poblacion 8, Midsayap, Cotabato noong ika-4 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Arnold P Ardiente, Officer-In-Charge ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Leorio”, 38 anyos, may asawa, mangangatay ng karne at residente ng Barangay Sadaan, Midsayap, Cotabato.
Naging matagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa isinagawang operasyon na pinangunahan ng Midsayap Municipal Police Station katuwang ang Police Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battalion 12 dahil sa kasong Rape sa bisa ng Warrant of Arrest.
Patunay lamang na ang PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan, at seguridad at magkaroon ng maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Emelou Pedroso