Arestado ang tinaguriang Top 9 Regional Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa inihaing Warrant of Arrest ng Polomolok PNP sa Purok Masagana, Barangay Magsaysay Polomolok, South Cotabato nito lamang ika-3 ng Hunyo 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Harold Cornel, Hepe ng Polomolok Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ronil”, 44 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Landan, Polomolok, South Cotabato.
Ang suspek ang may nakabinbin na kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy sa pag-aaresto ang mga kapulisan para sa mga taong may nakabinbin na kaso at nagtatago sa batas. Sinisigurado ng PNP na mahuli at mapanagot sinuman na nagkasala upang mabigyan ng hustisya ang mga taong naging biktima ng krimen.
Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales