Arestado ang nakatalang Top 9 Regional Most Wanted Person na may kasong 2 Counts of Rape at Lascivious Conduct sa operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Opong, Tolosa, Leyte nito lamang Enero 02, 2025.
Kinilala ni Police Major Ambrocio V Demain, Officer-In-Charge ng Dulag Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Totoy”, 31 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Dacay, Dulag, Leyte.
Bandang 5:15 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Dulag Municipal Police Station, kasama ang Provincial Intelligence Team Leyte at Regional Intelligence Unit 8 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts of Rape na walang inirekomendang piyansa at para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(B) ng Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may piyansa na Php180,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Patunay lamang na ang Leyte PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian