Himas rehas ang tinaguriang Top 9 Regional Most Wanted Person na may kasong 2 Counts of Rape matapos mapasakamay ng mga awtoridad sa Barangay Anahawan, Bato, Leyte nito lamang Agosto 1, 2024.
Kinilala ni Police Major John Rey R Layog, Acting Chief of Police ng Bato Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “John”, 20 anyos, estudyante at residente ng Sitio Ka-alingan, Barangay Anahawan, Bato, Leyte.
Bandang 2:20 ng hapon ng maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Bato Municipal Police Station kasama ang Provincial Intelligence Team Southern Leyte at Provincial Intelligence Team Leyte, Regional Intelligence Unit 8 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 2 Counts of Rape na walang piyansa at para sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 na may piyansa na Php180,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay bunga ng walang humpay na kampanya kontra kriminalidad ng ating kapulisan upang mapanatili ang tahimik, maunlad at ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian