Timbog ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Bajada PNP sa 5th Street Corner R. Cabaguio, Barangay Paciano, Davao City, noong Pebrero 10, 2024.
Kinilala ni Police Major Antonio Y Luy, Station Commander ng Bajada Police Station, ang suspek na si Alyas “Czar”, 35, binata, walang trabaho, residente ng Purok 4, New Lizada Village, Toril, Davao City at tinaguriang Top 9 High Value Individual sa Regional level.
Ayon kay PMaj. Luy, naging matagumpay ang buy-bust operation sa pagtutulungan ng Bajada Police Station, Special Drug Enforcement Team at Philippine Drug Enforcement Agency XI.
Dagdag pa ni PMaj. Luy, narekober mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 5.97 gramo na may standard drug price na Php96,000; isang asul na Realme android cellphone; at Php3,500 marked money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, ang laban kontra ilegal na droga ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Alden B Delvo alinsunod sa kampanya ng pamahalaan na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Elhynn Joy G Pagsugiron