Timbog ang tinaguriang Top 9 Regional High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation na pinangunahan ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11 katuwang ang Panabo City Police Station sa Barangay Salvacion, Panabo City nito lamang Pebrero 5, 2025.
Kinilala ni Police Major Maynard D Pascual, Hepe ng RPDEU 11, ang suspek na si alyas “Ar-Ar”, 25 anyos at residente ng Barangay Sto. Niño, Carmen, Davao del Norte.
Narekober mula sa suspek ang 11 gramo ng shabu na may tinatayang halaga na Php74,800 at buy-bust money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng suspek.
Pinapakita ng Police Regional Office 11 ang malasakit sa bawat mamamayan at ang kanilang pangunahing misyon: ang pagpapalaganap ng katahimikan, kaayusan, at proteksyon sa lahat ng komunidad sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino