Bukidnon – Timbog ang Top 9 Provincial Most Wanted Person sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng Bukidnon PNP sa Brgy. Lirungan, Talakag, Bukidnon nito lamang Mayo 31, 2023.
Kinilala ni Police Captain Benjamin Alvarez III, Officer-In-Charge ng Talakag Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jimboy”, 32, residente ng naturang barangay.
Naaresto ang suspek bandang 9:40 ng umaga ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng Talakag PNP katuwang ang Bukidnon Provincial Intelligence Unit Tracker Team, Bukidnon 1st Provincial Mobile Force Company at 1004th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 10.
Nahaharap ang suspek sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa.
Ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad at mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU10