Arestado ang Top 9 Provincial Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng mga otoridad sa Purok 1, Barangay Pasig, Kiblawan, Davao del Sur nito lamang Nobyembre 2, 2024.
Kinilala ni Police Major William O Catipay Jr., Acting Chief of Police ng Padada Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Alan”, 40 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder.
Samantala, patuloy namang nagsisikap ang mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa pinaigting na laban ng PNP kontra kriminalidad alinsunod sa programa ng Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino