Arestado ng mga awtoridad ang nakatalagang Top 9 Provincial Most Wanted Person sa paglabag sa Republic Act 9165 sa Barangay Cogon, Guiuan, Eastern Samar nito lamang Abril 17, 2025.
Kinilala ni Police Captain Brian Julius O Abellar, Officer-In-Charge ng Guiuan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Gelo”, 28 anyos at residente ng Barangay Cogon, Guiuan, Eastern Samar.
Bandang 3:10 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Guiuan Municipal Police Station kasama ang Eastern Samar Provincial Intelligence Unit at Eastern Samar Provincial Drug Enforcement Unit sa bisa ng warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na walang inirekomendang piyansa at Section 11 ng RA 9165 na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga may pananagutan sa batas ay bunga ng pinaigting na pakikipagtulungan at suporta ng mamamayan para mapanatiling payapa at maayos ang komunidad. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.