Bacacay, Albay – Arestado ang Top 9 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Rape by Sexual Assault sa Manhunt Charlie Operation ng PNP nitong Martes ng umaga, Abril 12, 2022.
Kinilala ni Police Major Michael Lorilla, Chief of Police ng Bacacay Municipal Police Station, ang suspek na si Gabriel Tuazon y Almonte, 55, may live-in partner, trabahador at residente ng Purok 4, Barangay Sogod, Bacacay, Albay.
Ayon kay PMaj Lorilla, naaresto ang suspek sa Barangay Tambo, Pamplona, Camarines Sur ng mga tauhan ng Bacacay Municipal Police Station at Pamplona Municipal Police Station.
Ayon pa kay PMaj Lorilla, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape by Sexual Assault na may inirekomendang piyansa na Php120,000.
Ang Bacacay MPS ay hindi titigil sa paghuli sa mga taong nagkasala sa batas upang mabigyan ng hustisya ang biktima at para masugpo ang kriminalidad sa ating bayan.
Source: Bacacay MPS
###
Panulat ni Patrolman Jomar Danao