Arestado ang Top 9 Municipal Most Wanted Person ng Labo, Camarines Norte sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Labo PNP sa Purok 2 Barangay Bulhao, Labo, Camarines Norte nitong Disyembre 8, 2023.
Kinilala ni Police Major Herculano Mago Jr., Hepe ng Labo MPS, ang naarestong akusado na si alyas “Ric”, 37 anyos, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PMaj Mago Jr., bandang 6:05 ng gabi ng maaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Violation of Lascivious conduct under Section 5(B) of RA 7610 at Violation of Section 5(B) of Article III of RA 7610 na may inirekomendang piyansa na Php180,000 bawat isa.
Ang tagumpay na pagkakahuli sa akusado ay bunga ng walang humpay na operasyon ng Labo PNP upang hulihin ang mga taong may pananagutan sa batas at mabigyan ng karampatang hustisya ang kanilang mga naging biktima.
Source: Labo Mps Cnppo