Naaresto ng mga kapulisan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company katuwang ang ZCPS6 Tetuan, 904th RMFB9, at ZC MARPSTA ang isang Top 9 Most Wanted Persons sa Municipal Level dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 o “Anti-Rape Law of 1997” noong Marso 24, 2025, bandang 2:45 ng hapon sa Barangay Tetuan, Zamboanga City.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ryan Jay R Capurcos , Force Commander ng 2nd ZCPMFC, na si alayas “Pilar”, 32 taong gulang, lalaki, single, at residente ng Don Toribio Street Atilano Drive, Zamboanga City.
Ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) dahil sa paglabag sa (Article 266-A Paragraph I (D) ng RA 8353).
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Franco