Arestado ang isang Top 9 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Rape sa isinagawang law enforcement operation ng Leon B Postigo Municipal Police Station sa Zamboanga del Norte nito lamang ika-09 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Anjelo AM D Acuzar, Acting Chief of Police ng Leon B Postigo MPS, ang naarestong suspek na si alyas āGheā, 26 anyos, lalaki at residente ng Barangay Delusom, Leon B Postigo, Zamboanga del Norte.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang ibaāt ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco