Arestado ng Los Amigos PNP ang Top 9 City Level Target sa Sitio Pongot, Barangay Biao Escuela, Tugbok District, Davao City nitong ika-11 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Major Marc Culaste, Station Commander ng Los Amigos Police Station, ang suspek na si alyas “Akio”, 20 anyos, caretaker at residente ng nasabing lugar.
Dagdag pa, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga tauhan ng Los Amigos PS kung saan ito ay nakakulong at mahaharap sa kasong 2 Counts ng Statutory Rape.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng Manhunt Charlie Operation ng tauhan ng Police Regional Office 11 sa pangunguna ni Police Brigadier General Aligre L Martinez, PRO11 Regional Director upang hulihin ang lahat ng wanted person sa rehiyon onse.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino