Arestado ang isang lalaki na nakatala bilang Top 8 Regional Most Wanted Person ng Rehiyong Bikol sa isinagawang Manhunt Operation ng pinagsamang mga operatiba ng Camarines Norte PNP sa Purok 1, Barangay Pinagtigasan, Vinzons, Camarines Norte nito lamang Enero 10, 2024.
Kinilala ni Police Captain Marilou Villafuerte, Hepe ng Vinzons Municipal Police Station, ang akusado sa alyas na “Manny”, may asawa at residente ng Barangay Pinagtigasan, Vinzons, Camarines Norte.
Ayon kay Police Captain Villafuerte, bandang 7:00 ng umaga ng naaresto ang akusado ng pinagsanib na mga operatiba ng Vinzons Municipal Police Station ng Camarines Norte PPO, Regional Intelligence Unit, Provincial Intelligence Unit-Camarines Norte at CIDG- Camarines Norte PFU.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Sexual Assault under RPC Article 266-A na may inirekomendang piyansang Php200,000 at Sexual Assault under RPC Article 266-B na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang isinasagawang operasyon ng PNP BiKol sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Andre Dizon, Acting Regional Director ng PRO5 sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas para sa kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
Source: Vinzons MPS CNPPO