Arestado ang isang Top 8 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 sa isinagawang operasyon ng CIDG Camiguin PFU katuwang ang Cagayan de Oro City Station 5 at Regional Intelligence Unit 10 sa Pacana Velez Street, Cagayan de Oro City nito lamang ika-10 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Benbo P Jumalon, Team Leader ng CIDG Camiguin Provincial Field Unit, ang suspek na si alyas “Kokoy”, nasa legal na edad, lalake at residente ng Barangay Puntod, Cagayan de Oro City.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad upang magkaroon ng maunlad na Bagong Pilipinas.