Arestado ang isang Top 8 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Statutory Rape sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga otoridad sa Purok Orchid Barangay Dalisay, Titay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-02 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Sonny Joe Malangis Amponin, Officer-In-Charge ng Titay Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Drin”, 19 anyos, lalaki at residente ng Barangay Dalisay, Titay, Zamboanga Sibugay.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape (2counts) na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng isang maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco