Arestado ang isang Top 8 Most Wanted Person sa Regional Level sa isinagawang manhunt operation ng tracker team ng Iligan City Police Station 4 sa kasong paglabag sa Republic Act 8353 (4 Counts) sa Purok Malipayon Ubaldo Laya, Iligan City nito lamang ika-24 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Captain Michael Angelo C Roldan, Acting Station Commander ng Iligan City Police Station 4, ang suspek na si alyas “Ronaldo”, lalaki, 44 anyos, construction worker at residente ng Purok Malipayon, Ubaldo Laya, Iligan City.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 24-30362; 24-30363; 24-30364 at 24-30374 (4 counts) na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Iligan City PNP sa paghuli ng mga kriminal at pagpapatupad ng batas para sa kaligtasan ng mga mamamayan.