Arestado ang Top 8 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad noong Pebrero 12, 2025 sa Barangay Poblacion, Midsayap, Cotabato.
Ayon kay Police Brigadier General Arnold P Ardiente, Regional Director ng Police Regional Office 12, matagumpay na nadakip ng mga otoridad ng Regional Mobile Force Battalion 12, Midsayap Municipal Police station, Provincial Intelligence Unit, at North Cotabato Highway Patrol Team, ang suspek na si alyas “Malasugui”, 35 anyos, magsasaka, at residente ng Barangay Nabalawag, Midsayap, SGA-BARMM.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang piyansa na inirekomenda.
Ang matagumpay na operasyong ito ay isang patunay ng pangako ng PNP na alisin ang mga lawless elements sa SOCCSKSARGEN at itaguyod ang panuntunan ng batas.