La Union – Arestado ang Top 8 Regional Most Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng La Union Police Provincial Office nitong Huwebes, ika-1 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni Police Major Renato Gacad, Hepe ng Caba Municipal Police Station, ang suspek na si Richard Arce Cruz, 19, residente ng Brgy. San Carlos, Caba, La Union.
Ayon kay PMaj Gacad, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ayon pa kay PMaj Gacad, naaresto ang suspek bandang 10:30 ng umaga ng pinagsanib na mga tauhan ng Caba Municipal Police Station, La Union Provincial Intelligence Unit, Regional Mobile Force Battalion 1 at Regional Highway Patrol Unit 1.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ng kanilang mga tungkulin upang maibigay sa mamamayan ang ligtas at payapang komunidad.
Source: Caba Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco