Ilocos Norte – Arestado ng Dumalneg PNP ang Top 8 Regional Most Wanted Person sa kasong 3 Counts of Statutory Rape nito lamang ika-15 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Captain Irineto Sibucao, Acting Chief of Police ng Dumalneg PNP, ang suspek na si Fabjay Villanueva y Aguda, 21, residente ng Brgy. San Isidro, Dumalneg, Ilocos Norte.
Naaresto ang suspek bandang 8:00 ng umaga sa Brgy. San Isidro, Dumalneg, Ilocos Norte na pinangunahan ng Dumalneg PNP, katuwang ang Provincial Special Enforcement Team (PSET), Provincial Intelligence Unit-INPPO, 101st Mc, RMFB1, 144 Special Action Company/14 Special Action Battalion.
Ayon pa kay Police Captain Sibucao, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Statutory Rape at may rekomendadong piyansa na Php600.000.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Dumalneg Municipal Police Station
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal