Sa kulungan ang bagsak ng Top 8 Provincial Most Wanted Person na may kasong Carnapping sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Regional Highway Patrol Unit Special Operation Team (RHPU-SOT) sa Barangay Kahaponan, Valencia City, Bukidnon nito lamang ika-5 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jovit Culaway, Officer-In-Charge ng Bukidnon Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “John Mark”, 22, at residente ng Barangay Tikalaan, Talakag, Bukidnon.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Carnapping na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Ang pagkakahuli ng suspek ay bunga ng walang humpay na operasyon ng Police Regional Office 10 upang mahuli ang mga may pananagutan sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolamn Edwin Baris