Naaresto ng Tracker Team ng Iloilo City Police Station 3 ang isang Most Wanted Person na itinuturing na Top 8 sa City at Station Level, bandang 3:31 ng hapon sa Brgy. Ungka, Jaro, Iloilo City noong ika-30 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Eduardo Siacon, Officer in Charge ng ICPS 3, ang naaresto na si alyas “Gilgar”, 29 taong gulang, at residente ng Brgy. Ungka II, Iloilo City.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 na may rekomendadong piyansa na nagkakahalaga ng Php300,000 para sa pansamantalang paglaya nito.
Ang matagumpay na hakbang na ito ng Iloilo City PNP ay patunay lamang sa kanilang pagsusumikap upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng syudad laban sa mga taong may pagkakasala sa batas.