San Pablo City, Laguna – Naaresto ang Top 8 Most Wanted Person ng CALABARZON sa Manhunt Operation ng mga kapulisan ng Laguna noong Martes, Marso 8, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Rogarth Campo, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office ang suspek na si Angelito Permante, 48, residente ng Brgy. Sta. Monica, San Pablo City, Laguna.
Ayon kay Police Colonel Campo, ganap na 8:12 ng umaga naaresto si Permante sa Brgy. San Vicente, San Pablo City ng mga operatiba ng San Pablo City Police Station.
Ayon pa kay Police Colonel Campo, si Permante ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape noong Hulyo 7, 2004 na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 30, San Pablo City, Laguna na may nirekomendang piyansa na Php120,000.
Dagdag pa ni Police Colonel Campo, si Permante ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7832 or Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/Materials Pilferage Act of 1994 na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 25, Biñan City, Laguna noong Setyembre 23, 2009 na may nirekomendang piyansa na Php80,000.
Nagpapasalamat ang Pambansang Pulisya sa tulong at suporta ng komunidad tungo sa matagumpay na pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter V Cabugon