Malaybalay, Bukidnon – Arestado ang Top 8 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong Attempted Murder sa isinagawang joint operation ng Bukidnon PNP nito lamang Agosto 31, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Jun Mark Lagare, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Ruel Larawan Yamido, 22, residente ng Purok 4, Brgy. Pat-Pat, Malaybalay City, Bukidnon.
Ayon kay PCol Lagare, naaresto ang suspek bandang 10:29 ng umaga sa Purok 12 Brgy. Alanib, Lantapan, Bukidnon ng mga operatiba ng Malaybalay City Police Office at Lantapan Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Murder.
Ang Bukidnon PNP ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Patrolman Jomhel Tan/RPCADU 10