Arestado ng Mandug PNP ang tinaguriang Top 8 City High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Sta. Cruz, Barangay Indangan, Davao City nito lamang Marso 17, 2025.
Kinilala ni Police Major Rejie G Torrita, Acting Station Commander ng Mandug Police Station, ang suspek na si alyas “Yat”, 31 anyos, isang personal driver at residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa suspek ang humigit kumulang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang Php68,000 at iba pang non-drug evidence.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Samantala, ang Police Regional Office 11 ay patuloy na nagsasagawa ng mga operasyon at proaktibong aksyon sa layuning magtaguyod ng isang mas mapayapang lipunan na magpapalakas sa pundasyon ng pag-unlad ng bansa.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino