Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest ang tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa Station Level ng Pasay City Police Station para sa paglabag sa Republic Act 10591 nito lamang Biyernes, Disyembre 6, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Rejie”, 26 anyos, na nadakip ng pulisya sa loob ng Pasay City Public Cemetery sa Barangay 148 Zone 16, Pasay City.
Isinilbi ng mga tauhan ng Station Intelligence Section ng Pasay CPS ang warrant laban sa suspek sa paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na may piyansa na Php120,000.
Ang SPD ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon upang tugisin ang lahat ng may pananagutan sa batas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng komunidad.
Source: SPD PIO