Northern Samar – Arestado ang Top 7 Station Most Wanted Person ng Northern Samar PNP sa isinagawang Manhunt Operation sa Brgy. Sta Clara, Bobon, Northern Samar nito lamang Linggo, Disyembre 12, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ariel Huesca, Officer-In-Charge ng Criminal Investigation Detection Group Regional Field Unit 8, ang naaresto na si alyas “Neil”, 44, karpintero at residente ng Bobon, Northern Samar.
Ayon kay PLtCol Huesca, ang akusado ay naaresto bandang 3:20 ng hapon sa magkatuwang na operasyon ng mga operatiba ng CIDG Northern Samar PFU sa pangunguna ni Police Captain Juan Carlos Recluta, Officer-In-Charge at Bobon Municipal Police Station.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 o RA 8353 na walang inirekomendang piyansa.
Tinitiyak ng Pambansang Pulisya na patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.