Naaresto ng mga operatiba ng Samar PNP ang isang Top 7 Regional Priority Target sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Minda, Gandara, Samar nito lamang Martes, ika-23 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Abdulaziz Salahuddin, Officer-In-Charge ng Provincial Intelligence Unit-Samar Provincial Police Office, ang naaresto na si alyas “Toto”, 40, hiwalay sa asawa, walang trabaho, at residente ng Gandara, Samar.
Bandang 03:40 ng hapon ng ikasa ang joint operation ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit-Samar Provincial Police Office (Lead Unit) kasama ang Provincial Intelligence Unit-Samar Provincial Police Office, Regional Intelligence Division 8-Tracker Team at San Jorge Municipal Police Station.
Narekober mula sa suspek ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.5 na gramo na nagkakahalaga ng Php3,400, 1000-peso bill na buy-bust money at isang unit ng cellphone.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang mga kapulisan sa pagpapaigting sa kampanya laban sa ilegal na droga upang unti-unting mapuksa ang paggamit sa bawal na gamot upang mas lalong magkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa ating bansa.