Lapu-Lapu City – Napasakamay ng kapulisan ang tinaguriang Top 7 Most Wanted Person ng Central Visayas na may kasong Murder kasunod ng operasyon na inilatag sa Sitio Langub, Brgy. Poblacion, Lapu-Lapu City noong Agosto 9, 2023.
Sa pinagsanib na puwersa ng Cebu City Mobile Force Company (CMFC), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Mandaue City Field Unit (CFU), at Lapu-Lapu City Police Office (LCPO) nadakip ang akusado na kinilalang si alyas “Rosel”, 37, bandang alas-6:50 ng hapon noong Miyerkules sa bisa ng Warrant of Arrest.
Kasangga ang komunidad, ang kapulisan ay patuloy sa pagbibigay katuparan ng kanilang serbisyo para sa kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng mamamayan.