Walang takas sa mga awtoridad ang tinaguriang Top 7 Provincial Most Wanted Person na may kasong Rape matapos mahuli sa Barangay P.I. Garcia, Naval, Biliran nito lamang ika-18 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Major Sherwin Amando L Machete, Officer-In-Charge ng Naval Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Marlon”, 35 anyos at residente ng Barangay Lucsoon, Naval, Biliran.
Bandang 2:30 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Naval Municipal Police Station kasama ang Biliran Provincial Intelligence Unit, Biliran Provincial Investigation and Detective Management Unit, Kawayan Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 8 at Provincial Intelligence Team Biliran.
Ang suspek ay wanted sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(A) ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.
Ang dedikasyon ng ating kapulisan at sa tuloy-tuloy na suporta ng publiko ang naging bunga ng matagumpay na pagkakahuli sa taong may pananagutan sa batas upang mabigyang hustisya ang naging biktima nito. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian