Bukidnon – Kalaboso ang Top 7 Provincial Most Wanted Person na may kasong Rape sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Manolo Fortich Municipal Police Station sa Zone 10, Brgy. Agusan, Manolo Foritch, Bukidnon nito lamang Hulyo 14, 2023.
Kinilala ni Police Major Harvey Sanchez, Officer-In-Charge ng Manolo Fortich Municipal Police Station, ang naarestong suspek na 27 anyos, isang factory worker, at residente ng Manolo Fortich, Bukidnon.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang rekomendandong piyansa.
Patuloy ang Manolo Fortich PNP sa paghuli sa mga wanted persons sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10