Urdaneta City, Pangasinan – Arestado ng Urdaneta City Police Station ang Top 7 Most Wanted Person sa City Level dahil sa kasong 2 Counts of Lascivious Conduct, 4 Counts of Statutory Rape at Acts of Lasciviousness in Relation to RA 7610 nito lamang Huwebes, Hunyo 9, 2022.
Ang suspek ay kinilala ni Police Lieutenant Colonel Benson Pimentel, Officer-in-Charge, na si April Jesus Lalas y Villafama, 28, residente ng Zone 4 Brgy. San Vicente Urdaneta City, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Pimentel, naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga tauhan ng Urdaneta CPS, 2nd Provincial Mobile Force Company Tayug, at Pangasinan 5th District Explosive Canine Unit sa nasabing lugar.
Sa pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan ay naging matagumpay ang operasyon ng Urdaneta PNP para maikulong ang mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pamayanan.
Source: Urdaneta City Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan